Pamunuan ng Philippine Army, tiniyak na patuloy na susuportahan ang mga atletang lumalaban sa SEAG

Nagpaabot ng pagbati si Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa mga atleta ng Philippine Army na kalahok sa 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay matapos na makakuha nang dalawa pang medalya sa rowing competition ang dalawang sundalo ng Philippine Army, na pandadag sa mga parangal na iuuwi ng Team Philippines.

Nitong Sabado ay nakuha ni Private Chris Nievarez ang bronze medal sa Men’s Lightweight Single Culls Event; habang si Private First-Class Amelyn Pagulayan nanalo rin ng bronze medal sa Women’s Quadruple Culls Event.


Una na ring nakakuha ng silver medal si Private Nievarez sa Men’s Lightweight Double Sculls Event.

21 atleta mula sa Philippine Army ang bahagi ng Philippine Team na nakikipagpaligsahan sa 31st SEAG.

Sinabi ni Lt. Gen. Brawner na patuloy na susuportahan ng Philippine Army ang mga atletang Pilipino sa pamamagitan ng mga maayos na training facilities, para mas mahasa ng husto sa kani-kanilang mga larangan.

Facebook Comments