Hinimok ni Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) Inspector General Alfegar Triambulo ang iba pang opisyal ng IAS na magsumite na rin ng courtesy resignation.
Ayon kay Triambulo, kahit hindi siya kasama sa mga koronel at heneral na pinapasumite ng courtesy resignation ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos ay minabuti na rin niyang magsumite.
Paliwanag ni Triambulo, ang PNP-IAS ang siyang humahawak ng mga kaso ng mga pulis na inirereklamo, kaya dapat ay wala ring kwestyon ang kanilang integridad.
Facebook Comments