Pamunuan ng PNP, nakahandang makipag dayalogo sa mga miyembro ng media

Nagpahayag ng kahandaan si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na makipag-dayalogo sa mga kagawad ng media.

Ito ay kasunod na rin nang nangyaring pananambang sa radio commentator ng DWBL na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Ayon kay Azurin, nais nilang malaman kung sino sino sa mga miyembro ng media ang may threat o banta sa buhay.


Sa pamamagitan aniya nito ay makapagbibigay sila ng seguridad at agad na maimbestigahan sinuman ang kanilang nabangga dahil sa paggampan ng kanilang trabaho.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa Lapid case kung saan tuloy rin ang pagkalap nila ng mga karagdagang ebidensya at impormasyon.

Kahapon naglabas ng litrato ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa posibleng nasa likod nang pananambang kay Lapid.

Umaabot na rin sa P6.5 milyon ang reward money sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng nasabing person of interest.

Facebook Comments