MGA AKTIBIDAD PARA SA GAGANAPING DIAMOND JUBILEE SA DAGUPAN CITY, NAKAHANDA NA

Nilatag na ang mga activities na gaganapin para sa year-long celebration ng Dagupan City Diamond Jubilee anniversary sa lungsod.
Unang aktibidad nito ay ang opening parade na siyang gaganapin sa ika-15 ng Oktubre, 2022.
Mayamang kultura, kasaysayan at ang pag-unlad ng Dagupan sa simula ng pagkakatatag nito bilang lungsod sumisentro ang selebrasyon.

June 20, 1947 nang opisyal na itinalaga bilang lungsod ang Dagupan sa bisa ng Republic Act No. 170 o ang City Charter of Dagupan na akda ni Former House Speaker Eugenio Perez Sr.
Sa pagganap ng selebrasyong ito, nais ng alkalde ng lungsod ng Dagupan na maging makabuluhan ang pagdiriwang at magsisilbing paalala sa lahat ng mga Dagupeño, mapa bata at matanda, ng pinagmulan at magandang kapalaran na tinatamasa ngayon ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments