Nangako ang Pambansang Pulisya na susuportahan ang lahat ng mga programa ng Marcos administration.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. suportado nila ang naging pahayag ng Pangulo na “build back better” sa pamamagitan ng comprehensive economic transformation and comprehensive infrastructure plan.
Positibo naman si Danao na magpapatuloy ang peace and order situation sa bansa sa mga susunod pang taon dahil bumaba ang crime index nitong nakalipas na 6 na taon sa panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Base aniya sa nationwide crime environment data, bumaba ng 67.79% ang index crime incident at 34.47% naman ang ibinaba ng non-index crime record sa nagdaang 6 na taon.
Samantala, ang theft, physical injury at robbery ang pinaka-common na krimen ayon na rin sa tala ng PNP Crime Information Reporting and Analysis System.
Paliwanag pa ni Danao, inaani na lamang natin ngayon ang mga pinaghirapan noong mga nakalipas na taon bagama’t aminado itong hindi madaling labanan ang krimenalidad.
Kasunod nito, nangako ang Pambansang Pulisya na paiigtingin pa ang kanilang kampanya at intel gathering nang sa ganon ay mapanatili ang magandang estado ng ating peace and order situation sa bansa.