Pamunuan ng QCPD, tiniyak na magsasagawa ng regular na pagpapatrolya ang mga pulis ngayong darating na Semana Santa

Manila, Philippines – Tiniyak  ng  pamunuan ng Quezon City Police District  na magsasagawa ng regular na pagpapatrolya ang mga pulis  upang bantayan ang mga bakasyunista na magsisiuwian ngayong darating na Semana Santa.
 
Ayon kay QCPD Dist. Dir. Chief Supt. Guillermo Eleazar magtatalaga siya ng mga unipormadong pulis na magbabantay sa lahat ng mga bus terminal sa QC upang matiyak ang kaligtasan ng mga bakasyunista.
 
Paliwanag ni Eleazar walang dapat ipangamba ang publiko kung maiiwanan nila ang kani-kanilang mga  bahay dahil aatasan niya ang kanyang mga tauhan na mag-ikot sa mga lugar na posibleng puntirya ng mga miyembro ng akyat bahay gang.
 
Umapila rin si Eleazar sa publiko na makipag ugnayan sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung mayroon silang napapansin na may kahina-hinalang pagkilos.

Facebook Comments