Pamunuan ng Quiapo Church, umapela sa mga deboto na iwasan na muna ang pagdadala ng mga replica ng Poong Itim na Nazareno

Hinikayat ng pamunuan ng Quiapo Church ang mga deboto na huwag nang magdala ng replica ng Black Nazarene partikular ang mga may karwahe sa kapistahan ng Traslacion.

Sinabi ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quaipo Church, na sayang ang espasyo sa Enero 9 kung may malalaking replicas dahil malaki ang mauukopa nitong espasyo na para sa mga deboto.

Ayon pa kay Fr. Badong, ipinagbabawal makapasok sa paligid ng Quiapo Church ang malalaking replica sa mismong Kapistahan ng Itim na Nazareno.


Maaari naman aniyang dalhin ang malalaking replica sa ibang araw para sa pagbabasbas at huwag sa mismong araw ng Kapistahan.

Nanawagan din ang opisyal ng Quiapo Church na panatilihin ang disiplina sa araw ng Kapistahan.

Aniya, huwag pairalin ang tigas ng ulo at sa halip ay pairalin ang ibayong pag-iingat at malasakit sa bawat isa.

Facebook Comments