Manila, Philippines – Binigyan na ng House of Representatives ang pamunuan ng Resorts World Manila ng 48 oras para isumite ang kanilang mga CCTV footages na nakuhanan hindi lamang noong June 2 kung kailan umatake ang lone gunman na si Jessie Carlos kundi pati na rin ang mga footages tatlong araw bago maganap ang insidente.
Pinasusumite ng mga kongresista ang CCTV footages mula noong May 31 hanggang June 3 upang makita umano kung regular na bang nagpupunta si Carlos sa Resorts World at kung ano pa ang ibang kaganapan sa hotel and casino bago maganap ang pag-atake nito.
Bukod dito ay hinihingi rin ng mga kongresista ang CCTV footages sa kwarto kung saan na-trap at namatay sa suffocation ang mga biktima kabilang na ang asawa ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr.
Handa namang tumalima ang pamunuan ng Resorts World sa kautusan ng kamara ngunit iginiit na posibleng magkulang na ang mga footages dahil sa paghinto ng mga CCTV cameras dahil sa matinding usok at init bunsod ng pagsusunog ni Carlos.
DZXL558