Kamara, nagpalabas ng show cause order laban sa hepe ng BFP

Manila, Philippines – Nagpalabas ngayon ng show cause order ang Kamara laban sa hepe ng Bureau of Fire Protection.

Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas, nais nilang pasagutin si C/Supt. Bobby Baruelo kung bakit hindi ito kailangang i-cite for contempt.

Sa joint investigation ng house committees on public order and safety, games and amusement at tourism mga kinatawan lamang ng BFP ang dumating.


Sinabi ng mga kanyang ipinadala representative na may naunang lakad si Baruelo kaya hindi siya nakadalo.

Ayon kay Farinas, mayroong pagdinig ang Kamara pero hindi dumalo si Baruelo dahil sa isang lakad na hindi naman masabi ng kanyang kinatawan.

Kailangan din anyang dumalo na ang pinuno ng BFP sa susunod na pagdinig.
DZXL558

Facebook Comments