Umapela si San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang mga nasasakupan na sumunod sa panuntunan na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution no. 104 at ng City Ordinance, na humihiling sa mga taga-San Juan na huwag mag-aatubiling sumunod sa guidelines kahit mayroon ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Zamora, tumataas ang kaso ng bagong variants kaya’t kinakailangan umanong magtutulungan ang isa’t isa na sumunod sa minimum public health standards upang ma-manage ang mga kaso.
Paliwanag ng alkalde, napapanahon na umanong magparehistro ang mga residente sa City Vaccination Program upang maprotektahan sila mula sa matinding epekto ng COVID-19 at huwag sana nilang sayangin ang pagkakataong ito na mabakunahan dahil ito ay limitado lamang dahil ayaw mangyari ng alkalde na maranasan nila ang naranasan niya na nagkaroon ng COVID at malayo ng dalawang linggo sa kanyang pamilya.
Sa ngayon aniya, mayroon ng kabuuang 35,805 ang nagparehistro sa San Juan City para sa COVID-19 vaccination o 41.93% ng target population sa 85,400 na indibidwal na mabakunahan o katumbas ng 70% ng kabuuang population ng lungsod na mabakunahan.