Pamunuan ng SPD babantayan ang mga sementeryo, bus terminal, paliparan at commercial establishments

Manila, Philippines – Naghahanda na rin ng deployment ang pwersa ng pamunuan ng Southern Police District para bantayan at bigyan ng seguridad ang publiko sa panahon ng undas.

Sinabi ni SPD Pio Chief P/Supt. Jenny Tecson, magiging target ng kanilang deployment ang 29 na mga sementeryo sa katimugang Metro Manila.

Bukod sa mga sementeryo, babantayan din ng kanilang mga tauhan ang 20 bus terminals, apat na mga paliparan at 25 na mga commercial establishments.


Inabisuhan na rin anya nila ang kanilang mga force multiplier na kanilang makakatuwang sa undas.

Kasama na dyan ang mga local barangay personnel, mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya mula sa afp at doh at maging sa mga non gov’t agencies at red cross.

Tulad naman ng nakagawian na, inaasahang magsasagawa din ng pagbisita at inspeksyon ang mga matataas na opisyal ng National Capital Region Police Office at SPD sa mga sementeryo sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments