Pamunuan ng U.P. Diliman, nababahala sa pagkakapatay kina Kian delos Santos at Carl Angelo Arnaiz

Manila, Philippines – Nababahala ang pamunuan University of the Philippines (UP) kaugnay sa pagkakapatay kay Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Kinukwestiyon ni U.P Diliman Chancellor Michael Tan ang pagkakapatay sa mga biktima.

Batay aniya sa mga lumabas na report ng pulisya, ang pagkakapatay kay Kian at Carl ay halos magka -pareho.


Ang naturang insidente aniya ay nagdulot ng agam-agam at takot na tila hindi na ligtas ang mga kabataan dahil sa war on drug ng pamahalaan.

Kasabay nito’y inihayag ni Tan na kasama ang UP Diliman sa nagluluksa sa pagkakapatay kay Arnaiz, na dati ring naging estudyante ng UP na kumuha ng kursong interior design.

Sinisini ni Tan, ang tatlong pulis Caloocan na nasa itinuturong nasa likod ng pagkakapatay kay Carl, at Kian dahil hindi man lang Aniya binigyan ng pagkakataon ang dalawang kabataan na ipagpatuloy ang buhay at makamit ang kanilang mga pangarap

Facebook Comments