Pamunuan ng UAAP Season 80, iimbestigahan ang umano’y “lutong” panalo ng De La Salle sa semi-finals ng Men’s Basketball kontra Adamson

Sports – Gumawa na ng hakbang ang pamunuan ng UAAP Season 80 hinggil sa naging laban ng Adamson Soaring Falcons at De La Salle Green Archers sa semi-finals ng Men’s Basketball Tournament.

Una nang nagbigay ng sulat si Adamson Coach Pumaren para paimbestigahan ang nangyaring lapses sa huling quarter ng laro kung saan pumabor ang lahat ng tawag ng mga referee sa La Salle.

Kinuwestiyon din ni Pumaren ang pagtawag ng foul sa kaniyang mga players na umabot sa 33 habang 12 lamang ang nakuha ng green archers.


Dahil dito, sinuspinde na ng committee ng UAAP ang mga referee at ini-rekomendang i-banned sa natitirang season.

Hindi naman kuntento ang ilan sa naging desisyon at hiling ng iba na magkaroon na lang ng rematch para maging patas sa dalawang koponan.
Photo (c): Adamson Chronicles

Facebook Comments