Weather Update

Manila, Philippines – Binabantayan ng PAGASA ang posibilidad na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ang Low Pressure Area na nasa labas pa ngayon ng bansa.

Inaasahan na sa susunod na 24 hanggang 48 oras ay maaring pumasok ng bansa ang LPA.

Sa ngayon apektado na ng extension nito ang maraming lugar sa Mindanao.


Hindi rin inaalis ng PAGASA ang posibilidad na ito ay lumakas pa at maging isang ganap na bagyo na papangalanang “Urduja”.

Samantala, dahil sa sama ng panahon kanselado ngayong araw ng dalawang biyahe ng Cebu Pacific na manila papuntang tuguegarao at pabalik ng Manila.

Facebook Comments