Manila, Philippines – Nanindigan ang Pamunuan ng University of the Philippines na hindi na sila maniningil ng matrikula sa mga estudyante na planong mag-aral sa naturang Unibersidad.
Ayon kay UP Chansellor Michael Tan hindi na sila maniningil ng matrikula pero kinakailangan na matapos muna nila ang Implementing Rules and Regulation upang tuluyan ng ipatupad ang libreng matrikula sa mga SUC at ngayon ay susundin umano nila kung ano ang isinasaad sa batas matapos na pirmahan ni pangulong Rodrigo Duterte ang libreng matrikula sa mga State and Universities and Colleges.
Paliwanag ng opisyal sasalain nila ng husto ang mga magulang ng mag-aaral upang malaman kung talagang mahirap sa pamamagitan ng pagkuha ng listahan sa mga Brgy. na kanilang tinitirahan upang malaman kung mahirap pero matatalinong estudyante na hindi kayang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral dahil sa matinding kahirapan.
Ikinatuwa naman ni Shara Landicho Engineering student ng UP ang naturang polisiya ng UP na sasalain nila ang mga papasok sa UP dahil marami umanong nag-aaral sa nasabing Unibersidad na umaabot na ngayon ng 21 libong estudyante na karamihan ay mayayaman at anak ng mga kilalang pulitiko.
Giit ni Tan kapag lampas na sa Maximum Residency Rule na apat na o MRR ay hindi na kasama sa libreng matrikula ang mga estudyante gustong mag-aral sa UP.