Pamunuan ng upstream na Honcho, tiniyak na walang pelikulang ipu-pull-out sa MMFF 2020

Tiniyak ngayon ng upstream na Honcho na mapapanood ng buong dalawang linggo ang mga entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2020.

Ayon kay Dondon Monteverde, Head ng Honcho, ang upstream na exclusively magpapalabas via online sa 10 pelikula na kalahok sa MMFF na walang ipu-pull-out na entries simula sa opening sa December 25, 2020 hanggang last day ng event sa January 7, 2021.

Layon aniya nitong ma maximize ang profits ng mga producer sa new online set-up.


Sa ngayon ay nagsimula na ang pagbebenta ng tickets worldwide via online sa halagang 250-pesos.

Kabilang sa mga entries sa MMFF ay ang “Magikland”, “Coming Home”, “The Missing”, “Tagpuan”, “Isa Pang Bahaghari”, “Suarez, The Healing Priest”, “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandang Itim”, “Pakboys Takusa”, “The Boy Foretold by the Stars”, at “Fan Girl “.

Facebook Comments