
Pinag-aaralan na ng Philippine Accreditation for National Accountability (PANA), ang kanilang susunod na hakbang matapos na hindi tanggapin ng Office of the Secretary General (OSG) ang kanilang ihahain sanang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ang PANA ay kinabibilangan ng mga retiradong heneral, retiradong government officials at iba’t ibang grupo.
Ayon kay ex-Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang pagsasampa nila ng kaso sa OSG ay upang magbigay ng babala na hindi basta pwedeng balewalain ang legal na mekanismo upang marinig ang hinaing ng taumbayan kontra sa abuso ng isang nakaupong presidente.
Ang pagtangging tanggapin ang impeachment complaint ay magpapahina sa mga demokratikong institusyon at sa diwa ng transparency.
Giit naman ni Atty. Manuelito Luna, posibleng maisama rin sa reklamo ang House speaker at mismong si Pangulong Marcos.
Samantala, inanunsyo rin ni Defensor na nagpahayag ng kahandaan si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na tumestigo kahit via Zoom upang mas mapalakas ang kaso laban kay Marcos.










