MANILA – Opisyal nang nagsimula ang panahon ng amihan na senyales naman para sa nalalapit na ang taglamig sa Northern Hemisphere at Christmas Season.Ayon sa PAGASA, bagama’t pumasok na ang amihan, sa Northern Luzon pa lamang ito mararamdaman habang sa Disyembre ay inaasahang makararanas ng bahagyang pagbaba ng temperatura ang ilang bahagi ng bansa.Noong Martes ng tanghali, naitala ang 10.8 degrees celsius na temperatura sa Burnham Park sa Baguio City at inaasahang magpapatuloy ito sa mga susunod na araw.Magtatagal ang malamig na panahon hanggang Enero o Pebrero ng susunod na taon.
Facebook Comments