Panahon ng pasukan para sa higher education, dapat ibalik na rin sa dating school calendar

Iginiit ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel sa Commission on Higher Education o CHED na pag-aralan din ang pagbabalik ng lumang academic calendar para sa mga Higher Ecucation Institutions o HEIs tulad sa mga kolehiyo at unibersidad.

Katwiran ni Manuel, hindi dapat ilimita sa basic education ang pagpapatupad ng dating school calendar dahil hindi naman heatproof ang mga estudyante sa kolehiyo kaya nagdurusa rin sila sa matinding init ng panahon.

This slideshow requires JavaScript.


Kung tutuusin ayon kay Manuel, dapat ay noon pa ipinatupad ang June hanggang March na panahon ng pasukan para sa higher education.

Hiling ni Manuel sa CHED, tigilan na ang pagsunod sa school calendar at mga patakaran ng mga dayuhang pamantasan at kompanya kung saan nagsisimula ang pasukan ng Agosto o Setyembre dahil napanatunayan naman na wala itong epekto para mapahusay ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Facebook Comments