Manila, Philippines – Minaliit ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang 15.7 percent na pagbaba sa bilang ng walang trabaho sa fourth quarter ng 2017 batay sa resulta ng survey ng Social Weather Stations.
Ayon kay Jerome Adonis, spokesperson ng KMU, artipisyal ang nalikhang 7.2 million na bagong trabaho.
Aniya, normal na may paglago ng employment kapag papasok ang Disyembre.
Pero, asahan aniya na sa unang hati ng 2018, magtatanggalan din uli ng mga kinontratang trabahador noong peak season.
Panakip butas lamang aniya ito sa tunay na kalagayan na napakalaki ng bilang ng walang trabaho.
Ang dapat aniya tiyakin ng gobyerno ay maresolba na ang kontraktuwalisasyon at gawing regular na ang mga manggagawa na matagal na sa mga kumpanya.
Handang makipag-usap si Raymond Almazan kay national coach Chot Reyes para bawiin nito ang kaniyang naging desisyon na tanggalin siya sa pool ng Gilas Pilipinas.
Ayon kay Almazan, personal daw niyang kakausapin si Reyes para maipaliwanag kung bakit hindi siya nakasama sa tatlong session ng practice ng national squad.
Sinabi pa ni Almazan na nawala ang kaniyang cellphone ilang linggo na ang nakakaraan kaya’t hindi niya nagawang makipag-ugnayan sa pamunuan ng Gilas.
Plano din daw niyang pumunta sa susunod na practice at kung hindi daw siya mapagbibigyan ni coach Reyes, ay rerespetuhin na lamang niya ang una nitong desisyon na tanggalin silang dalawa ni Calvin Abueva sa line-up.