Kaugnay sa pag-obserba ng Undas ngayon ay nanawagan ng panalangin si Senator Leila de Lima para sa pagkamit ng hustisya para sa mga biktima ng karahasan at pamamaslang.
Giit ni De Lima, paano masasabing “namayapa” sila kung patuloy na naghuhumiyaw para sa katarungan ang pamilya ng mga biktima.
Sa kabila ng lahat ay hiling din ni De Lima na patuloy tayong magmalasakit at damhin ang pinagdadaanan ng ating kapwa.
Kaakibat aniya ng pakikidalamhati at pag-unawa ay ang kahalagahan ng pagdamay at pakikipaglaban para maibalik kung ano ang tama at nararapat para sa lahat.
Pangunahin ding dalangin ni De Lima ang patuloy na lakas, tatag at kapanatagan ng loob ng bawat isa sa atin sa harap ng patuloy na pangungulila at banta ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.