Panalo ang Golden State Warriors laban sa Minnesota Timberwolves sa NBA

Humataw ang player ng warriors na si Stephen Curry ng 36 points, 3 rebound at 5 assists habang si Klay Thompson ay nakapagtala ng 28 points, 3 rebounds at 4 assists.

Hindi naging sapat ang mahigit 20 puntos nina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins ng timberwolves para magwagi.

Nagtapos ang bakbakang timberwolves-warrior sa iskor na 117 – 107.


Sa ngayon, nanatiling numero uno ang warriors habang ang timberwolves ay nasa ika-10 sa west conference.

Facebook Comments