Water projects ng DILG sa buong bansa, mas pinaigting pa

Pinalakas pa ng Department of Interior and Local Government ang kanilang  potable water supply projects sa ibat ibang bahagi ng bansa.

 

Ito’y sa kabila ng nararanasang  water shortage sa ilang lugar sa   Metro Manila.

 

Ayon kay DILG Undersecretary for Local Government Marivel Sacendoncillo, sa ngayon mahigit sa  2 milyong kabahayan sa  waterless communities sa buong bansa ang nabibiyayaan na ng  patubig ng DILG.


 

Kabuuang 4,963   potable water supply projects ang natapos  na  ng DILG sa pamamagitan ng  Office of Project Development Services Water Supply and Sanitation Project Management Office mula 2012.

 

Isa ang  DILG sa  28 ahensiya na  kabilang sa  water sector na nagpapatupad sa  pambanaang  programa tulas ng  Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (SALINTUBIG), Bottom-up Budgeting (BuB) Water Supply, Assistance to Municipalities (AM) Water Supply, and Local Government Support Fund (LGSF) Water.

Facebook Comments