PANALO! | Ed Sheeran, big winner sa 2018 Billboard Music Awards

Las Vegas – Big winner ang British star na si Ed Sheeran sa katatapos lamang na 2018 Billboard Music Awards na ginanap sa Las Vegas.

Nasungkit ng “Thinking Out Loud” hitmaker ang major prize bilang top artist at ang pagiging top male artist.

Ilan pa sa hinakot nito ang iba pang parangal gaya ng top hot 100 artist, top song sales artist, at top radio songs artist.


Hindi rin naman nagpahuli si Bruno Mars na napanalunan ang Top R&B Tour at Top R&B Male Artist.

Kabilang pa sa mga nanalo ay si Taylor Swift bilang Top Female Artist, Jay-Z sa Top Rap Tour, The Chainsmokers para sa Top Dance/Electronic Artist, at iba pa.

Facebook Comments