PANALO ITO | Balitok a Tawir muling matutunghayan!

Naghahanda na para sa ika-anim na Pangasinan Culture and Arts Festival Balitok a Tawir ang pamahalaang panlalawigan na isang Folk Dance Competition na gaganapin sa ikalawa ng Pebrero sa Sison Auditorium, Lingayen, Pangasinan. Ito ay para din sa selebrasyon ng National Arts Month 2018.

Ayon kay Ms. Malu Elduayan, Provincial Tourism and Cultural Officer ng Pangasinan, ang muling pagbangon sa Balitok a Tawir ay nagpapakita ng suporta kay Governor Amado Espino III sa kaniyang adbokasiya na muling buhayin, mapanatilihin at lalong pagyabungin ang kulturang Pangasinense.

Ang mga sayaw na oasioas, ontanay, kalatong, binislakan at sayaw ed tapew na bangko ay kabilang sa mga sayaw na pagpipilian ng mga eskwelahang sasali sa patimpalak. Mayroong labindalawang kalahok ang nasa elementarya at labing apat naman sa sekondarya na bibida sa naturangpatimpalak.


Ang tatanghaling kampeon ay mag-uuwi ng premyong P 35,000, P 25,000 naman para sa makakuha ng ikalawang puwesto at P 15,000 para sa ikatlong puwesto para sa kategorya ng elementarya. Habang sa kategorya ng sekondarya, ang mananalong kampeon ay may i-uuwing P 50,000 P 30,000 naman sa ikalawang puwesto at P 20,000 para sa makakakuha ng ikatlong puwesto.

Ang mga hindi papalaring Manalo ay makakatanggap parin naman ng tig-sampung libong piso bilang consolation prize.

Ulat mula kay Jense Rualo
Photo-credited to Pangasinan Tourism Office fanpage

Facebook Comments