Panalo ng warriors sa NBA finals 2017 – inialay sa kanilang fans at pamilya

150

NBA – Inialay ng Golden State Warriors sa fans ang kanilang panalo sa 2017 NBA finals.

Para kay warriors Star Stephen Curry – ang suporta at tiwala ng kanilang fans gayundin ng kanilang pamilya ang nagtulak para mas pagbutihan nila ang paglalaro.


Samantala, wala naman daw pinagsisisihan si Lebron James dahil alam niyang ginawa ng kanilang team ang lahat para makahabol sa serye.

Kanina nga nang tinapos na ng Warriors ang NBA finals matapos na talunin ang Cleveland Cavaliers sa game 5 sa iskor na 129-120.

Hinirang naman bilang bagong finals MVP si Kevin Durant.
DZXL558

Facebook Comments