Limang sibilyan, natagpuang patay sa isang bahay sa Marawi

Marawi City – Limang sibilyan ang natagpuang patay sa isang bahay sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera – pinatay ng mga teroristang Maute ang mga sibilyan base na rin sa kwento ng limang iba pang nakatakas.

Anila, bigla silang nagpulasan palabas nang kanilang bahay nang pasukin ito ng mga terorista.


Gayunman, pinagbabaril sila ng mga ito kung saan lima ang napatay, lima ang nakatakas habang binihag ang walong iba pa.

Nasa maayos nang kalagayan ang limang nakatakas.
DZXL558

Facebook Comments