Pananagutan ng Road Board sa maanumalyang paghawak sa road user’s tax, iginiit

Manila, Philippines – Isa si Senator Grace Poe sa may buong suporta sa naipasang panukalang batas na nagtatakda ng pagbuwag sa Road Board.

Gayunpaman, iginiit ni Senator Poe na bago tuluyang lusawin ang Road Board ay dapat munang tiyakin na mananagot ito sa umano ay maanumalyang paggamit sa multi bilyong pisong road user’s tax.

Ayon kay Poe, dapat alamin ng national treasury ang kabuuang halaga ng pondo na dapat ay naibigay dito ng Road Board.


Giit ni Senator Poe, pondo ito ng mamamayan na dapat ibalik sa pamamagitan ng mga magagandang kalsada, pasilidad na maayos sa mga gumagamit ng ating transport system at mga imprastruktura na nakakabuti sa higit na mas marami.

Facebook Comments