Manila, Philippines – Nagsampa na ng kaso ang 2 sa 6 na bagong graduates ng Philippine National Police Academy (PNPA) matapos na bugbugin ng kanilang underclassmen noong March 21 araw ng graduation ng PNPA.
Ayon kay PNPA Director Police Chief Supt. Joseph Adnol, kinilala ang 2 nagsampa ng kaso na sina Police Inspector Ylam Lambenecio at Police Inspector Arjay Divino.
41 kadete ng PNPA namang iniimbestigahan ngayon dahil sa pagkakasangkot sa panggugulpi.
Siyam sa mga ito ay nasampahan na ng kasong kriminal, habang 15 ay nahaharap na sa kasong administratibo.
Sakali naman aniyang mapatunayang guilty ay agad na matatanggal sa akademya ang mga PNPA cadet members.
Naninindigan naman si Adnol na na “isolated case” lang ang nangyaring insidente.
Kinontra rin nito ang sinabi ni PNP chief Police Director General Ronald Dela Rosa na may ganung klaseng tradisyon sa PNPA.
Aniya walang kahit anung tradisyon sa academy dahil kung mayroon man dapat supervised ito ng mga opisyal.
Giit ni Adnol na sariling inisyatibo ng mga kadete ang nangyaring panggugulpi at hindi bahagi ng anumang tradisyon sa PNPA.