PANANAGUTIN | I-ACT, mahigpit na ipatutupad ang 20% fare discount sa PUV

Manila, Philippines – Nagbabala ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa mga driver ng Public Utility Vehicles (PUVs) na hindi nagbibigay ng tamang diskwento sa pasahe sa mga estudyante, senior citizens at persons with disability.

Ayon kay I-ACT Chief, Transportation Undersecretary Tim Orbos, mayroon silang close coordination sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para magsagawa ng simultaneous operations ngayong araw, June 13 para sa istriktong pagpapatupad ng fare discount policy.

Ani Orbos, 20% fare discount ang dapat ibinibigay sa mga senior, PWDs, at estudyanteng pasahero.


Dapat aniya itong ipinatutupad sa mga land transport tulad ng jeep, bus, UV express, taxi at Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ma-a-avail ang fare discount tuwing weekdays, holidays, at school breaks.

Ang mga driver na hindi susunod ay papatawan ng 5,000 pesos na multa sa unang paglabag, 10,000 pesos sa ikalawang paglabag, at ang ikatlong paglabag ay papatawan ng 15,000 pesos na multa at kanselasyon ng prangkisa.

Facebook Comments