Manila, Philippines – Hinamon ng ilang kongresista si Interior Undersecretary Martin Diño na pangalanan ang 100 mga kongresistang sangkot sa vote-buying nitong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay Gabriela Party List Representative Emmi De Jesus, dapat tukuyin at kasuhan ni Diño ang mambabatas na sangkot sa vote-buying para mapanagot ang mga ito.
Iginiit naman ni Akbayan Party List Representative Tom Villarin, na dapat bago pa ang halalan ay napaghandaan na ito ng DILG at may ginawa na ring hakbang para maiwasan ang vote-buying.
Umaasa naman si Senate President Koko Pimentel na kakasuhan ng DILG ang nabanggit na mga mambabatas para matututo ang mga ito ng leksyon at hindi na maulit ang kanilang ginawa sa mga susunod na eleksyon.