PINAGSUSUMITE | Tourism Secretary Berna Puyat, inatasan na ang mga undersecretaries at assistant secretaries ng ahensya na magsumite ng courtesy resignation

28

Manila, Philippines – Pinagsusumite ni bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ng courtesy resignation ang undersecretaries at assistant secretaries ng DOT.

Ayon kay Puyat, layon nitong magkaroon siya ng kalayaan na makapagtalaga ng mga bagong opisyal at mapanatili ang magagandang track records.

Sinabi rin ni Puyat na iimbestigahan niya ang Tourism Promotions Board (TPB) head na si Cesar Montano kaugnay ng proyektong buhay carinderia na nagkakahalaga ng P80 milyon.

Maliban rito, kakausapin rin aniya niya si Montano hinggil sa pinaiksi nitong pagsasalita sa isang event sa New York para lang umabot sa papanooring musical play.

Dagdag pa ni Puyat, plano rin niyang pumunta ng Boracay para personal na makita ang rehabilitasyon ng isla.

Facebook Comments