Pananahimik ng mga mamayan sa mga patayan, nabasag na – dating CHR Chief Etta Rosales

Manila, Philippines – Matapang na ang mga mamamayan ngayon na magpakita ng kanilang saloobin laban sa Duterte administration.

Ito ang ipinahayag ni dating Commission on Human Rights chief Etta Rosales kaugnay sa pagbaba ng net trust rating ni Pangulong Rodrigo.

Aniya, sa nakalipas na buwan ay ayaw magsalita ang mga ordinaryong mamamayan sa takot na sila ay madamay din sa klima ng patayan.


Naniniwala si Rosales na ang mga patayan at ang pagkakadamay ng mga menor de edad ang pangunahing dahilan ng pagkatapyas sa rating ni Duterte.

Idinagdag ni Rosales na noon maglabas ng dalawang magkasunod na survey ang SWS ay dapat ay nagbago na ng polisiya si Duterte sa kaniyang war on drugs.

Pero, inantay pa niya nanaramdaman na ng pangulo ang nagbabagong sentimyento sa kaniya ng taumbayan.

Facebook Comments