Manila, Philippines – Umaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na matatalakay ang isyu ng pananakop ng China sa mga sandbars sa West Philippine Sea sa China-Philippines Bilateral Consultative Mechanism (BCM).
Ito ay matapos makumpirma ang presensya ng mga Chinese vessels malapit sa Pag-Asa Island.
Ayon AFP Spokesperson Brig/Gen. Restituto Padilla – nais nilang mabigyang linaw ito sa BCM.
Layon ng BCM nitong maiwasan ang marahas na komprontasyon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Matatandaang ginanap ang kauna-unahang BCM sa Guiyang, China noong Mayo.
Facebook Comments