Pananakot ni Alvarez sa mga mambabatas, yabang lamang ayon sa oposisyon

Manila, Philippines – Iginiit ni Albay Rep. Edcel Lagman na yabang lamang ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pananakot nitong tatanggalan ng posisyon ang mga house leader na tumutol sa death penalty bill.

 

Ayon kay Lagman, ampaw ang banta ni Speaker kaya wala na itong matatakot pang muli sakaling magkaroon ng gitgitang botohan sa kamara.

 

Dahil hindi pa isinasakatuparan ang pagtanggal sa posisyon house leaders na komontra sa death penalty, tinawag ito ni Lagman na braggadocio o kayabangan lamang.

 

Ang banta ni Alvarez ay para sa mga kongresistang mahihina ang loob na sumuway sa administrasyon.

 

Matatandaang si Speaker mismo ang nagkumpirma na may listahan na sila ng ipapalit sa mga house leaders na bumoto ng no sa death penalty bill.

 

Pero sa huli,  ipinaubaya niya kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas ang rigodon sa Mababang Kapulungan.

Facebook Comments