Pinsan ng lider ng Abu Sayyaf Group na si Isnilon Hapilon, kabilang sa apat na bandidong napatay sa sagupaan sa Basilan

66

Manila, Philippines – Nasawi ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group kabilang ang pinsan ni ASG lider na si Isnilon Hapilon sa naganap na sagupaan sa Basilan kahapon ng umaga.

 

Kinilala ang nasawing kamaganak ni Hapilon na si Ustadz   Mobin Kulin, alyas Mulawin .

 

Ayon kay Western Mindanao Command Spokesperson Capt Jo Ann Petinglay, kahapon ng umaga ng muling magkasagupa ang tropa ng joint task force Basilan at nasa 15 bandido sa pamumuno ni Kulin.

 

Si Kulin ayon kay Petinglay ay sangkot da nangyaring Lamitan siege at kidnapping sa Dos Palmas sa Palawan.

 

Narekober naman ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang ilang mga mga matataas na kalibre ng armas kabilang na ang isang barret, isang uri ng granada na may tatlong live ammunitions; at 12 Grenade rifles ng mula sa mga bandido.

 

Sa ngayon nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng militar laban sa mga bandido sa lugar.

 

Itinurn over naman ng militar sa Basilan Police Provincial Office ang mga labi ng mga nasawing bandido para sa pagkakakilanlan ng tatlo pa.

Facebook Comments