*CAGAYAN- *Pinaghahandaan na ngayon ng pamunuan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Sta. Ana, Cagayan sa paparating na bagyong Mangkhut o Ompong.
Sa naging panayam ng RMN Cauyaan kay ginoong Marion Miranda, ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Head ng Sta. Ana, Cagayan na naghahanda na ang kanilang nasasakupan kung saan nagkaroon na umano sila kahapon ng inisyal na pulong sa 16 na barangays na nasasakupan ng kanilang bayan hinggil sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Nagkaroon na rin umano sila ng pulong kaninang umaga sa pangunguna ng kanilang alkalde kasama ang mga miyembro ng MDRRMC.
Kanila ring pinag-iingat at pinaalalahanan ang mga residente na lumikas agad lalo na sa mga lugar na may posibilidad na magkaroon ng pagguho ng lupa upang hindi agad malagay sa panganib.
Base kasi sa pagtaya ng PAGASA ay posibleng maglandfall sa biyernes ang bagyong Ompong at tutumbukin nito ang pinakahuling bahagi ng Northern Luzon.