Pananalasa ng habagat na pinalakas ng bagyong Domeng, nag-iwan ng isang patay ayon sa NDRRMC

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isa ang iniwang patay dulot ng hanging habagat na pinalakas ng bagyong Domeng.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, ang biktimang si Algemon Dasilam Nuñez, 27-anyos ay nagtatrabaho sa El Nido, Palawan na iniulat na nawawala noong June 6 at narekober ang labi nito nitong June 8.

Si Nuñez ay nalunod matapos mahulog sa kanyang jet ski dahil sa malakas na alon.


Sa Mindoro, anim na mangingisda ang nasagip matapos bumangga ang kanilang bangka sa isang bulk carrier.

Facebook Comments