Pananalig sa Diyos at pagmamahal sa kapwa, mensahe sa sinagawang selebrasyon ng Eid’l Adha sa Cotabato City at Maguindanao

Cotabato City – Libo-libong mga mananampalatayang Muslim ang lumahok at nakiisa sa isinagawang congressional prayer kaninang umaga bilang bahagi ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o day of sacrifice dito sa Cotabato City at sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang Eid’l Adha ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo bilang hudyat ng pagtatapos ng Hajj pilgrimage sa Mecca Saudi Arabia.

Bilang bahagi ng selebrasyon ay pagkatay ng baka at kambing bilang kurban na ibinibigay sa mga malalapit na kamag anak at kaibigan lalo na sa mg mahihirap.
Lungsod ng Cotabato ay ibat-ibang lugar ang pinagdarausan ng congressional prayer at ang sermon ay sentro sa pananalig sa diyos at pagmamahal sa kapwa.

Facebook Comments