Pananalisi sa loob ng coffee shop sa Makati, huli sa CCTV

Makati City – Sapul sa CCTV ang pananalisi sa laptop ng isang negosyante sa isang coffee shop sa Makati City.

Kwento ng biktimang itatago sa pangalang ‘Bernardo’ hinihintay niya ang kanyang asawa nang tanungin siya ng isang lalaking naka-t shirt at shorts kung pwedeng makiupo sa mesa niya.

Iniwan ng biktima ang kanyang misis na nagko-computer katabi ng suspek.


Sa loob ng 20 minuto, pasimpleng nilapit ng suspek ang bag na nasa sinasandalan ng misis ng bitkima hanggang sa makuha niya ito.

Tangay na ng suspek ang bag kung saan laman nito ang laptop ng biktima.

Nakipag-ugnayan na ang biktima sa mga awtoridad at nag-alok na siya pabuya para sa makapagtuturo sa suspek.

Facebook Comments