Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pansamantala lamang ang pananatili sa Marine barracks sa Fort Bonifacio, Taguig ng ilang high-profile inmates.
Kabilang sa naturang inmates ang mga testigo sa drug cases ni detained Senator Leila De Lima.
Sinabi ni Guevarra na para sa seguridad ang nangyaring paglipat sa mga bilanggo.
Wala rin aniyang dapat ipangamba sa paglalagay sa “first class accommodation” sa barracks sa high profile inmates.
Ang sampung bilanggo ay mula sa Building 14 sa New Bilibid Prisons at ang transfer of confinement ay pirmado ni dating Bureau of Corrections head Nicanor Faeldon.
Facebook Comments