Pananatiling sarado ng mga non-essential business establishments, pinatitiyak ng DILG sa mga LGU at PNP

Pinatitiyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Local Government Units (LGU) at Philippine National Police (PNP) na mananatiling sarado ang non-essential business establishments sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kasunod ito ng ulat na ilang negosyo ang nagbukas na kasama sa mga hindi pinayagang makapag-operate sa ilalim ng panuntunan ng IATF.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-062 ng DILG, kailangang siguraduhing sarado ang mga negosyo maliban sa mga negosyong may koneksyon sa pagkain, gamot, tubig, banking at remittance centers, power, energy, telecommunication, at iba pa.


Dapat din aniyang i-monitor ng LGUs na skeletal workforce lamang ang nasa operasyon at istriktong nasusunod ang social distancing sa mga nabanggit na negosyo.

Samantala, inirekomenda ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na huwag munang tuluyang buksan ang mga malls sa Luzon kapag natapos na ang Enhanced Community Quarantine na nakatakda sa April 30.

Giit ni Concepcion, kailangan muna kasi aniyang maka-rekober sa virus ng mga malls habang sinisimulan muling palaguin ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments