PANANIM NA GULAY SA BRGY. GAGABUTAN, HINDI NA MAPAKINABANGAN

CAUAYAN CITY- Nanlulumo ang ilang magsasaka dahil hindi na mapakinabangan pa ang mga itinanim na gulay at puting mais sa Brgy. Gagabutan matapos malubog sa baha ang mga ito sa pananalasa ni Bagyong Pepito.

Sa panayam ng IFM News Team kay Committee on Agriculture George Dela Cruz ng Brgy. Gagabutan, apatnapu’t dalawang vegetable at corn farmers ang naapektuhan sa kanilang lugar kung saan nasa dalawampung hektarya ng pananim ang nalubog sa baha.

Aniya, karamihan sa mga tanim na gulay at mais ay hindi pa namumunga at maaaring anihin.


Malaking lugi para sa mga magsasaka ang dulot ng bagyo lalo na at ilang beses nang nalubog sa baha ang kanilang barangay sa mga nagdaang bagyo.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan naman ang kanilang barangay sa Lokal na Pamahalaan ng Cauayan para sa mga maaaring tulong na maipamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Panuorin ang kanyang naging pahayag: CLICK HERE!

Facebook Comments