PANAWAGAN | CHO may pakiusap sa mga dog owners!

Layunin ng Dagupan City na NO CASULATY DUE TO RABIES ngayong taon ayon yan sa City Health Office ng Dagupan City ngunit isa sa nakikitang problema ng ahensya ay ang mga residente na hindi nakikisama sa proyekto.

Hinihikayat ng CHO Dagupan ang residente ng Dagupan na makisama sa Anti-Rabbies project dahil katuwang sa layuning ito ang City Veterinary Office at Animal Bite Treatment Center na Accredited ng Philhealth na nag-iikot sa mga barangay sa Dagupan. Ngayong taon dalawampung barangay na ang nabigyan ng bakuna at aabot na ito sa 5,000 alagang hayop at pusa.

“Target namin ang 11,000 na hayop ang mabakunahan ng Free Anti Rabies” aniya ni Dr. Daniel Paolo Quinto Garcia ng CHO. Nagkakaroon din ng libreng konsultasyon , pagbibigay ng gamut pangontra sa galis, pangpurga at pagpatay sa garapa at kuto.


Ayon kay Dra. Ophelia T. De Vera, Head Officer ng City Health Office, mayroon silang naitalang 4,171 na tao ang nakagat ng ibat ibang klaseng hayop sa nakaraang taon , at sa kasalukuyang taon naman ay wala pang naitatalang nakagat.

Ulat nina Mark M. Francisco at Jerame DV. Laxamana

Facebook Comments