Manila, Philippines – Nakatakdang magtipon-tipon sa Luneta ngayong araw ng mga puso ang grupong Salinlahi upang ipanawagan sa gobyerno ang kanilang responsabilidad sa libu-libong mga batang naturukan ng Dengvaxia.
Ayon kay Salinlahi Liaison Officer Noy Palay layon ng kanilang pagtipon-tipon sa harapan ng Philippine Map sa Rizal Park upang ipabatid sa gobyerno ang kanilang papel para mabigyan ng hustisya ang mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia.
Paliwanag ni Palay na ang kanilang grupo ay sasayaw sa tonong One Billion Rising Hymn upang mabigyan ng kamalayan ang publiko na ang Dengvaxia ay public health disaster dahil sa naidulot nitong perwisyo sa mga batang nasawi matapos na maturukan ng Dengvaxia.
Mamahagi rin sila ng mosquito repellents at mga information materials kung papaanong maiiwasan ang Dengue kung saan bahagi ito ng kampanya ng Salinlahi na “Rise For Free Health Care.”