Manila, Philippines – ‘Huwag kayong makialam.’
Ito ang payo ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa European parliament matapos itong maglabas ng panawagan na dapat ay pakawalan ng pamahalaan si Senador Leila De Lima dahil isa umano itong biktima ng political persecution.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, hindi maaaring diktahan ng European parliament ang gobyerno ng Pilipinas partikular sa judicial process ng bansa.
Wala din aniyang kapangyarihan ang European parliament na utusan ang gobyerno ng Pilipinas na gawin ang isang bagay.
Isa aniya itong klase nang panghihimasok na hindi dapat gawin ng ibang bansa sa Pilipinas.
Facebook Comments