Panawagan ng medical experts at health secretary na huwag harangin ang pagdinig ng Senado ukol sa pagbili ng pandemic supplies dapat pakinggan ng Malacañang

Iginiit ni Senate Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat pakinggan ng Malacañang ang panawagan ng medical experts at mga dating health secretaries na huwag harangin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersyal na mga transaksyon kaugnay sa pagbili ng gobyerno COVID-19 medical supplies.

Sinabi ito ni Drilon, makaraaang magpalabas ng ‘collective expression of indignation and a call to action’, ang nasa 300 na mga dati at kasalukuyang miyembro ng Philippine College of Physicians at iba pang medical professionals.

Nanawagan ang mga ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag hadlangan ang pagharap sa pagdinig ng Senado ng mga mahahalagang testigo kaugnay sa transaksyon ng procurement service ng Department of Budget and Management (DBM) sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.


Diin ni Drilon, nanonood ang buong bansa kaya dapat ay hayaang umusad ang imbestigasyon ng Senado na layuning mapalabas ang katotohanan sa kwestyunableng transaksyon ng gobiyerno sa Pharmally.

Binanggit ni Drilon na bukod sa medical professionals ay naghayag din ng suporta sa senado ang legal community kung saan binatikos nila ang pinalabas na memorandum order ng pangulo na nagbabawal sa miyembro ng gabinete na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Facebook Comments