Panawagan ng mga doktor, dapat pakinggan ng pamahalaan – VP Robredo

Dapat pakinggan ng pamahalaan ang panawagan at rekomendasyon ng mga doktor na gamitin ang isang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+ bubble na pabagalin ang surge ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na dapat matugunan ang rekomendasyon ng mga doktor.

Ang Healthcare Professional Alliance against COVID-19 ay nananawagan sa gobyerno na palawakin ang One Hospital Command Center.


Ang pangalawang rekomendasyon ay magtatag ng field hospitals na kayang magbigay ng serbisyo sa mild cases ng COVID-19.

Ang ikatlo ay ang pagkakaroon ng augmentation ng health personnel capacity sa mga lugar na may mataas na transmission rates mula sa ibang lalawigan.

Dapat palakasin din ng gobyerno ang testing capacity ng mga Local Government Unit (LGU).

Ang panghuli ay pagkakaroon ng repository ng mga datos na maaaring magamit ng pamahalaan para mapahusay ang COVID-19 response operations.

Facebook Comments