Binatikos ni Deped Undersecretary Lorna Dino ang panawagan ni Atty. Larry Gadon na buwagin na lamang ang EDSA People Power Commission.
Una nang tinawag ni Gadon na pagsasayang ng pondo ang preparasyon sa selebrasyon dahil kakaunti na lamang ang gumugunita rito kada taon.
Ayon kay Usec Dino, hindi siya payag na buwagin ang isang kaganapan sa kasaysayan na naghatid naman ng mabuti sa bansa.
Kung mabuwag aniya ang komisyon ay wala nang mangangasiwa sa pagpreserba sa mga aral ng EDSA People Power Revolution.
Sa pamamagitan nito hindi maglalaho sa diwa ng mga kabataan ngayon at ng mga susunod na salinlahi ang mga core values na itinuro ng makasaysayang rebolusyon
Naniniwala rin si Usec. Dino na may mga personal na dahilan sina dating Pangulong Fidel Ramos at dating Defense Secretary at Senador Juan Ponce Enrile kaya hindi na nakasipot sa 33rd anniversary ng EDSA People Power.
Sa ginanap na selebrasyon sa People Power Monument kanina, ilang indibidwal na may malaking papel na ginampanan noong panahon ng EDSA revolution ang pinagkalooban ng freedom awards and spirit of EDSA at good citizenship movement awards.
Kabilang dito sina:
Marianne Maan Hontiveros
Cecille Guidote Alvarez
Eufrosino Sonny Camarillo-
Fr Benigno Beltran at
Ang AKKAP ka-aksyon para sa kapayapaan at katarungan