Ikinagalak ng mga green groups ang ginawang paghimok ni Senador Sherwin Gatchalian, sa Department of Energy (DOE) na magsagawa ng ‘open and transparent bidding’ ng ‘distribution utilities’.
Ayon kay Gerry Arances ng Power for the People, mahalaga na marinig ang boses ng chairman ng Senate Committee on Energy (SCE) sa usapin ng kinakailangang seguridad sa enerhiya sa bansa.
Sa kanyang statement, sinabi ni Gatchalian na ang isinusulong na panukala ni DOE Secretary Alfonso Cusi na hatiin ang ‘Meralco supply requirement’ sa bidding sa maliliit na bahagi at payagan ang ‘stacking of bids’ ay maihahalintulad din minimithing paligsahan sa ilalim ng EPIRA.
Kapag ginamit sa ‘competitive selection processes CSP ang kautusan ni Cusi, magkakaroon ng oportunidad ang maliliit na power generation companies na makapag- bid at manalo ng bahagi ng ‘large supply requirements.’
Kung walang ‘stacking’, isang bidder at presyo lamang para sa kabuuang kapasidad ang mananalo, at maiitsa-puwera naa ang m aliliit na kompanya ng renewable energy na makapagbibigay ng mababa o abot-kayang halaga ng elektrisidad.